Sabado, Setyembre 24, 2016
Ang Pagbabago
Ang Pagbabago, Mga kababayan nararamdaman nyo ba ang sinasabi nilang pagbabago sa ating lipunan ngayon? Abay kung ako ang tatanungin nyo, OO nakikita ko ang malaking pagbabago ngayon sa ating lipunan, Kung noon palagi nating nakikita sa balita na ang pamahalaan dati ay palaging laman ng balita ang mga nagawa nila ang halos laman ng balita, pero yong mga negative sides nila, may narinig ba kayo? ewan ko sa inyo kung may narinig kayo? basta saakin palagi kung nakikita sa balita ang mga magaganda nilang nagawa. pero ngayon nakikita talaga natin at nararamdaman ang pagbabagong sinasabi ng ating pamahalaan. Unang una sa lahat ang palaging laman ng balita ngayon ay ang tungkol sa balita sa droga,,abay ang laki ng pinagbago ngayon, ang dami dami ng mga adik na nananahimik na,yong iba nagbago na yong iba tuluyan ng nagbagong buhay, ay di pala sumakabilang buhay na pala...cguro magpapasalamat tayo sa pamahalaan natin ngayon na meron syang ginagamit na kamay na bakal para sa pagbabago ng ating pamahalaan. Ako nagpapasalamat ako ng marami sa pamahalaan natin ngayon dahil sa gusto nyang mabago ang ating bayan abay kahit maging masama sya sa paningin ng iba ay wla syang pakiaalam, Basta magawa lamang nya ang kanyang oinangakong pagbabago sa atin noon nong nangangampanya palang sya..salamat po sa ating mahal na pangulo, kahit sa maikling panahon ay may nararamdaman at nakikita akung pagbabago....
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento