Sabado, Setyembre 24, 2016
Ang Pagbabago
Ang Pagbabago, Mga kababayan nararamdaman nyo ba ang sinasabi nilang pagbabago sa ating lipunan ngayon? Abay kung ako ang tatanungin nyo, OO nakikita ko ang malaking pagbabago ngayon sa ating lipunan, Kung noon palagi nating nakikita sa balita na ang pamahalaan dati ay palaging laman ng balita ang mga nagawa nila ang halos laman ng balita, pero yong mga negative sides nila, may narinig ba kayo? ewan ko sa inyo kung may narinig kayo? basta saakin palagi kung nakikita sa balita ang mga magaganda nilang nagawa. pero ngayon nakikita talaga natin at nararamdaman ang pagbabagong sinasabi ng ating pamahalaan. Unang una sa lahat ang palaging laman ng balita ngayon ay ang tungkol sa balita sa droga,,abay ang laki ng pinagbago ngayon, ang dami dami ng mga adik na nananahimik na,yong iba nagbago na yong iba tuluyan ng nagbagong buhay, ay di pala sumakabilang buhay na pala...cguro magpapasalamat tayo sa pamahalaan natin ngayon na meron syang ginagamit na kamay na bakal para sa pagbabago ng ating pamahalaan. Ako nagpapasalamat ako ng marami sa pamahalaan natin ngayon dahil sa gusto nyang mabago ang ating bayan abay kahit maging masama sya sa paningin ng iba ay wla syang pakiaalam, Basta magawa lamang nya ang kanyang oinangakong pagbabago sa atin noon nong nangangampanya palang sya..salamat po sa ating mahal na pangulo, kahit sa maikling panahon ay may nararamdaman at nakikita akung pagbabago....
Huwebes, Setyembre 15, 2016
Bangayan sa senado
Bakit ba ang hilig ng mga senador na magbangayan sa harapan ng sambayanang pilipino. Kanina lang ng nanood ako ng telebisyon,naka live yon sa boong mundo,sila sila lang ang nagbabangayan, ang pangit namn kasi tingnan na kung sino pa yong mga may posisyon sa gobyerno,sila sila pa ang nagpapakita ng mga di magagandang halimbawa,sabi nga mga mga matatanda na kung may nagsasalita di ka pweding sumagot hanggat di natapos ang isang nagsasalita, mga senador ba natin eh, walang mga lolo at lola na nagtuturo ng mga magagandang asal sa kanila,e may nagsasalita pa na isa sumisingit yong isa,ang sagwa kasi tingnan lalo na sa telebisyon pa, e kung magsuntokan nalang kaya sila , ano!. di naman pwede yon mas lalaong masama yon. bakit ba ang hilig ng mga senador na takpan ang mga witnesses nila na pautal utal o mali mali ang sinasagot sa mga tanong sa kanila, e dapat siguro magpanukala kayo ng batas, na hanggang tatlong besis na magkamali ng pagsagot ang witness ay e firing squad na, o di kaya ikulong nalang,,halata kasi na may m,ga taong gumagamit ng mga tao para sa kanilang pangsariling kagustohan lang,Bakit ba ang hilig hilig nilang husgahan ang mga bagong administrasyon, bakit pilit nilang ginagawaan o hinahanapan ng botas, para lang mapabagsak ang o masira ang bagong administrasyon. keysa magbangayan o sirain nyo ang administrasyon, tulungan nyo na lang kayang mabago at maayos ang bansa natin, kung may nagawa man noon o wala ang mga taong nakaupo sa gobyerno ngayon tapos nayon mga BOSENG,,,magbago na kayo suportahan nalang natin ang bagong administrasyon,,maganda naman ang kanyang mga adbokisiya para sa ating bansa, suportahan nyo nalang sayang ang panahon na ginogogol nyol sa bangayan,,HAY nako,,,MOVE ON na kayo,,TALO na kayo....
Biyernes, Setyembre 2, 2016
Bakit Tayo Nabubuhay sa Mundo...
Gamitin natin sa pagtama sa mga kamalian ng nakaraan kung meron man, kaya lang yong iba rason nila dahil sila ay nabuo sa kasamaan o kamalian gagawa rin sila ng masama at mali, kung sa bagay di natin sila nasisi kung ganon ang pananaw nila o opinyon. pero sabi nga sa kasabihan ang isang pagkakamali ay di maging tama sa pagawa ng isa pang mali..,parang ganon yata!
Pero dapat kahit ano at sino pa tayo dapat nating isipin na nandito tayo sa mund para gumawa ng tama at itama ang pagkakamali.kung di man tayomahal ng magulang natin ay pilitin nating gumawa ng tama para pagdating ng panahon na tayo naman magkapamilya ay maparamdam natin sa ating mga anak na mahal natin sila at maparamdam nila sa atin ang tinatawag na pagmamahal.
kahit di natin naranasan na mahalin ng magulang,,gumawa lang tayo ng tayo sa lahat ng oras,ay mararamdaman na natin ang pagmamahal di lang sa ating mga anak , kundi pati na sa ibang tao..ma swerte ako dahil meron akung ina, mga kapatid, asawa at mga anak na nagmamahal sa akin,,,salamat sa lahat ng nagmamahal sa akin at salamat panginoon, sa pagbigay mo sa akin at naunawaan ko kung bakit ako nabubuhay sa mundo..
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)